Summer Classes
Ngayong araw, April 16, 2012, nagstart ang summer classes sa university na pinapasukan ko.
Unang beses kong magsa-summer classes dahil napagiwanan sa isang subject at di kinaya ang isa pa.
Gaya ng unang araw ko noong first year college pa lang ako, nakakairita ang init dahil SUMMER AT HINDI BAGAY SA SUMMER ANG UNIFORM NAMIN!!! Nakakaantok ang init tuwing tanghali, at sa kabutihang palad, tanghali ang una kong klase, swerte.
“Game na” Sinabi ko sa sarili ko nung dumating na yung prof namin. At nung nalaman ko kung sino sya, head ng subject na yun.
Ayos, ginaganahan na talaga ako kasi alam kong matututo na ako ngayon…pero sinusubukan talaga ako.
Arrangement… Sobrang malas, sa harap pa ng speakers napatapat. Sa lugar kung saan hindi mo makikita ang board at kung saan alam kong tenga lang ang kailangan kong paganahin dahil wala akong makita. Saya.
Natapos ang unang dalawang oras. Kasunod na ang dalawang oras na break. Isa pang nakakairita dahil bumabalik ang init ng katawan at pawis sa noo at sa likod.
Sa loob ng dalawang oras, nakatambay lang ako para antayin ang kasunod kong subject. Nagsimula na ulit tumulo ang nakakairitang pawis.
Natapos ang break. Last subject. Wala naman mahalaga dito kasi yung prof ko dun sa pre-req subject yung prof ko ngayon at alam kong may matututunan talaga ako sa kanya. Nung simula lang kinakabahan kasi late sya at pinapanalangin ko na sana hindi si Vic (dahilan kung bakit ako nadelayed ng isang sem sa subject na yun at kaya Vic ay dahil kamukha nya si Vic Sotto) yung prof ko ngayon. Ayun.
Tapos ang unang pahina ng bagong kabanata ng buhay ko, ang summer class. :)